MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL 2ND QUARTER MEETING
- Angat, Bulacan
- Jun 18
- 1 min read

Idinaos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang Council Meeting para sa 2nd Quarter para sa taong 2025.
Ito ay dinaluhan ng iba't-ibang departamento, volunteer, at mga representante ng mga kasapi sa Konseho ng MDRRM ng Bayan ng Angat.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH1 - MDRRMO upang pag usapan ang mga paksa na sumusunod:
1. Reading and Approval of Minutes Last Meeting
2. Accomplishment Report:
- Disaster Prevention and Mitigation
- Disaster Preparedness
- Disaster Response
- Disaster Rehabilitation and Mitigation
3. Upcoming Program, Projects, and Activities
4. Weather Update for 2nd Quarter
5. Re-appropriation of Unexpended Funds
6. MDRRM Investment Fund
7. Other Matters
Naging makabuluhan ang pagpupulong at naging aktibo ang diskusyon ng konseho patungkol sa mga paparating na mga proyekto, programa, at mga aktibidad para sa 3rd Quarter.
Dumalo sa pagpupulong ang Chairman ng MDRRM Council at Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista upang pakinggan ang mga ulat at diskusyon ng konseho.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments