Mula Angat Patungong Pambansa: Jeana Sarmiento, Kampeon sa Gymnastics sa CLRAA
- Angat, Bulacan

- 15 hours ago
- 1 min read

Muling niyanig ng galing ng isang Angateño ang rehiyon matapos hiranging kampeon sa larangan ng Gymnastics si Jeana Meari Sarmiento sa katatapos lamang na Central Luzon Regional Association (CLRAA) Meet 2026 na ginanap sa lungsod na ito.
Si Sarmiento, na isang mag-aaral mula sa Colegio de Sta. Monica de Angat, ay nagpamalas ng pambihirang disiplina at husay sa kanyang mga routines, na nagdala sa kanya sa pinakamataas na baitang ng podium. Dahil sa kanyang matagumpay na kampanya sa CLRAA, opisyal na siyang magsisilbing kinatawan ng buong Rehiyon III sa darating na Palarong Pambansa.
Ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Mayor Reynante "Jowar" Bautista, ang kanilang taos-pusong pagbati para sa karangalang ibinigay ni Sarmiento sa bayan. Ang kanyang tagumpay ay itinuturing na inspirasyon para sa mga kabataang atleta ng Angat na nagnanais ding magtagumpay sa mundo ng palakasan.









Comments