MPDO, NHA nagsagawa ng workshop para sa Relocation and Resettlement Action Plan sa Angat
- Angat, Bulacan

- Oct 31, 2025
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Isinagawa ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) ang Preliminary Workshop/Orientation on the Relocation and Resettlement Action Plan (RRAP) sa Municipal Conference Hall, katuwang ang National Housing Authority (NHA).
Layunin ng naturang aktibidad na tiyakin na magiging maayos, ligtas, at makatao ang proseso ng relokasyon para sa 155 informal settler families mula sa mga Barangay Sto. Cristo, San Roque, at Sta. Cruz, na planong ilipat sa NHA Housing Project sa Barangay Pulong Yantok.
Binigyang-diin ni Ms. Christine Pulido Firmalino, Department Manager A ng Resettlement and Development Services Department – NHA, ang kahalagahan ng tamang implementasyon ng programa at ng koordinasyon ng mga ahensya at ng komunidad upang maisakatuparan ang matagumpay na relokasyon.
Dumalo sa naturang aktibidad sina Punong Bayan Reynante “Jowar” Bautista, MLGOO Kyle Ernest Agay, at mga kinatawan mula sa NHA, MPDO, LIAC, HOA, at iba pang tanggapan at service providers na katuwang sa pagpapatupad ng programa.
Sa pamamagitan ng RRAP, pinagtitibay ng pamahalaang bayan ang kooperasyon ng gobyerno at mamamayan sa pagtataguyod ng disenteng pabahay at inklusibong pag-unlad—isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan para sa bawat Angateño.









Comments