Moral and Spiritual Enhancement, Gift-Giving, at Feeding Program, Isinagawa para sa mga Detainee ng Angat MPS
- Angat, Bulacan

- Jul 10
- 1 min read

Isang makabuluhang outreach program ang isinagawa sa Angat Custodial Facility sa Barangay San Roque ngayong Hulyo 10, 2026, ika-10:00 ng umaga, para sa mga Person Under Police Custody (PUPC) ng Angat Municipal Police Station (MPS).
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Human Rights Affairs Office (HRAO) personnel ng Angat MPS sa pamumuno ni Patrolman Ranjit Gelantaga-an, HRAO PNCO, sa ilalim ng pamamahala ni Police Major Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.
Kaagapay ng kepulisan sa gawaing ito ang mga kinatawan mula sa Bethlehem House of Bread sa pangunguna ni Father Ricardo Morada.
Naglunsad ang pangkat ng serye ng mga gawaing naglalayong magbigay ng suportang emosyonal, espiritwal, at pisikal sa mga detainee:
Moral and Spiritual Strength: Nagpaabot ng espiritwal na pagninilay at aral si Father Ricardo Morada upang patatagin ang pananampalataya at magbigay ng pag-asa sa pagbabagong-buhay ng mga PUPC.
Gift-Giving Activity: Nagkaloob ng mga gift pack at pangunahing pangangailangan upang matulungan ang mga nakadetene sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa loob ng pasilidad.
Feeding Program: Naghandog ng masustansyang pagkain para sa lahat ng mga Person Under Police Custody.

Ayon sa Angat MPS, ang pakikipagtulungan sa mga institusyong tulad ng Bethlehem House of Bread ay bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya na igalang at pangalagaan ang karapatang pantao at dignidad ng bawat indibidwal, maging ng mga nasa ilalim ng kustodiya ng batas.
Binigyang-diin ng pamunuan na ang mga ganitong programa ay mahalagang hakbang sa rehabilitasyon at paghubog ng magandang pag-uugali para sa muling pagbabalik ng mga detainee sa lipunan.









Comments