Mobile Blood Donation sa Sto. Cristo Covered CourtIsinagawa noong Hulyo 15, 2025
- Angat, Bulacan

- Jul 16
- 1 min read

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng mga dumalo at naging bahagi ng matagumpay na Mobile Blood Donation na ginanap sa Sto. Cristo Covered Court. Sa kabuuan, 59 na kababayan ang naging mga tunay na bayani sa pamamagitan ng kanilang bukal sa puso at walang kapantay na malasakit sa kapwa.
Ang inyong donasyon ay nagbibigay ng bagong pag-asa at buhay sa mga nangangailangan. Sa tulong ninyo, patuloy nating naipaglalaban ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino sa ating komunidad at sa buong bansa.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong kabutihang-loob upang mas marami pang tao ang maging katuwang sa adbokasiyang ito ng pagtulong at pagbigay ng buhay.
Maraming salamat po at patuloy nating isulong ang diwa ng pagmamalasakit at bayanihan.









Comments