top of page
bg tab.png

Mga Person Under Police Custody ng PNP Angat, Isinailalim sa Medical Check-up

Aug 11
1 min read

Isinailalim sa isang pagsusuring medikal ang mga Person Under Police Custody (PUPC) ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ngayong Agosto 11, 2026, bandang 3:00 ng hapon sa Norzagaray Municipal Hospital sa Norzagaray, Bulacan.


Pinangasiwaan ng mga tauhan ng PNP Angat ang paghahatid at pag-alalay sa mga PUPC upang masuri ng mga propesyunal na doktor ang kanilang pangkalahatang kalusugan.


Layunin ng aktibidad na ito na tiyakin ang maayos na pangangatawan ng mga nakadetine, matukoy at maiwasan ang mga posibleng karamdaman, at hikayatin sila na magkaroon ng mas malusog na pamumuhay habang nasa ilalim ng pangangalaga ng batas.


Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030, na nagbibigay-diin sa pagprotekta sa karapatang pantao, dignidad, at kapakanan ng bawat indibidwal sa custodial facility ng kapulisan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page