top of page
bg tab.png

Mga Mag-aaral sa Angat, Tinuruan ng CPR sa ginanap na SAGIP-CPR Activity

Sep 16
1 min read

Isinagawa ang mass Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) training sa ilalim ng programang "Bell-Kenz SAGIP-CPR: One Heart One Nation" ngayong Setyembre 16, 2026, sa Covered Court ng Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School.


Layunin ng nasabing inisyatiba na maghatid ng mahalagang kaalaman at kasanayan sa paunang lunas (first aid) upang mapaghandaan ang mga emerhensyang may kaugnayan sa paghinto ng tibok ng puso at makapagligtas ng buhay sa komunidad.



Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa naturang adhikain upang isulong ang kahandaan ng mga kabataan, guro, at mamamayan sa pagtugon sa mga medikal na sakuna.


Sa pamamagitan ng pambansang kampanyang ito, patuloy na isinusulong ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sektor para sa mas ligtas at maalam na pamayanan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page