top of page
bg tab.png

Mga Gamot at Bitamina, Ipinamahagi ng PNP Angat sa mga Person Under Police Custody

Aug 5
1 min read

Nagsagawa ng pamamahagi ng mga kinakailangang gamot at bitamina ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) para sa mga Person Under Police Custody (PUPC) ngayong Agosto 5, 2026, bandang 9:00 ng umaga.


Pinangunahan ni Duty Custodial Officer Pat Ranjit B. Gelantaga-an ang aktibidad sa Temporary Custodial Facility ng Angat MPS sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan. Layunin ng gawaing ito na pangalagaan ang kalusugan at pangangailangang medikal ng mga nakatigil sa pasilidad ng kapulisan.


Ang naturang pamamahagi ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030 na naglalayong tiyakin ang maayos na kapakanan, kaligtasan, at dignidad ng mga taong nasa ilalim ng pangangalaga ng batas.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page