Mga Dapat Dalhin sa Job Fair: Gabay para sa Mas Maayos na Aplikasyon
- angat bulacan
- Oct 17
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Upang mas maging handa at epektibo ang inyong pagdalo sa mga job fair, mahalagang dalhin ang mga kinakailangang dokumento at gamit. Narito ang gabay para sa mga aplikanteng nagnanais magtagumpay sa paghahanap ng trabaho:
✅ Mga Dapat Dalhin:
Updated Resume o CV
Magdala ng extra copies, siguraduhing updated ang contact number at impormasyon.
1x1 at 2x2 ID Pictures
Para handa ka sakaling hingan ng employer.
Notepad o Papel at Ballpen
Isulat ang mga kumpanyang nais mong aplayan at ang posisyong inaasinta.
Makakatulong ito upang maalala kung sinong kumpanya ang tumawag para sa susunod na interview.
🛠️ Para sa One-Stop Shop Services:

Kung kukuha o mag-a-update ng dokumento mula sa mga ahensyang tulad ng BIR, PhilHealth, PAG-IBIG, at PSA, siguraduhing dala ang sumusunod:
Anumang Government Valid ID
Birth Certificate
Marriage Certificate (para sa mga kasal na kababaihan)
💡 TIP:
Mag-research tungkol sa mga kumpanyang nais mong aplayan bago dumalo sa job fair. Makakatulong ito sa iyo upang maging mas handa sa interview at malaman kung tugma sa iyong layunin ang kumpanyang sasalihan.
Maging handa, maging propesyonal, at samantalahin ang bawat oportunidad!









Comments