MENRO Angat, Nakiisa sa Global Recycling Day
- Angat, Bulacan

- Mar 18
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatibay sa adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan, nakiisa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat sa pagdiriwang ng Global Recycling Day nitong nagdaang linggo.
Ang nasabing selebrasyon ay naglalayong paigtingin ang kamalayan ng mga Angateño tungkol sa kahalagahan ng pagreresiklo bilang pangunahing solusyon sa lumalalang suliranin sa basura. Binigyang-diin ng MENRO ang konsepto ng "Recycling Heroes"—ang pagkilala sa mga tao at komunidad na aktibong nagpapatupad ng wastong waste segregation at nagbibigay ng bagong buhay sa mga kagamitang maaari pang pakinabangan.









Comments