MENRO Angat, Nagsagawa ng Solid Waste Program sa Niugan
- Angat, Bulacan

- Nov 24
- 1 min read

Matagumpay na nagsagawa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat ng isang Information and Education Campaign (IEC) sa Barangay Covered Court ng Niugan noong Nobyembre 18, 2025.
Isinabay ang IEC, na may kasamang pamamahagi ng flyers, sa aktibidad ng Municipal Joint Service in Barangay (MJSB).
Bilang bahagi ng adbokasiya para sa tamang pamamahala ng basura, isinabay rin ang mga programang naghihikayat ng responsableng solid waste management:
“Basura Palit Bigas”
“Basura Palit Gamit”
Layunin ng mga programang ito na hikayatin ang mga mamamayan sa mas responsableng pagharap sa solid waste sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo.
Pinatibay ng MENRO ang kanilang pagtutulungan sa Sangguniang Barangay ng Niugan upang masiguro ang pagpapatupad ng tamang sistema ng basura.









Comments