MENRO Angat, Nagsagawa ng Clean-Up Drive at IEC sa PMMHS
- Angat, Bulacan

- Nov 24
- 1 min read

Bilang pagpapakita ng "Pagkakaisa para sa kalikasan", matagumpay na isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat ang isang Clean-Up Drive noong Nobyembre 18, 2025.
Ang aktibidad ay ginanap sa President Diosdado P. Macapagal Memorial High School (PMMHS).
Sinabayan ang clean-up drive ng isang Information Education Campaign (IEC) na nakatuon sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Katuwang ng MENRO ang Barangay Sta. Cruz sa inisyatibang ito.
Ayon sa MENRO, ang layunin ng magkasabay na aktibidad ay patibayin ang kaalaman at disiplina sa tamang pamamahala ng basura. Ito ay itinuturing na maliit na hakbang tungo sa mas malinis at mas maayos na komunidad.









Comments