MENRO Angat, Magbibigay ng On-site Assistance sa Marilao para sa Environmental Permits
- Angat, Bulacan

- Apr 6
- 1 min read
Upang mas mapadali ang proseso ng mga environmental application at serbisyo, hatid ng MENRO Angat ang programang "Permitting on Wheels" na gaganapin sa bayan ng Marilao ngayong Abril.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng isasagawang One Stop Shop at CEPA Caravan, na naglalayong magbigay ng hands-on guidance at on-site assistance sa mga mamamayang may mga katanungan o pangangailangan hinggil sa mga permit at iba pang serbisyong pang-kalikasan.
Para sa mga interesadong lumahok o kumonsulta, narito ang iskedyul ng caravan sa Brgy. Patubig, Marilao:
Abril 14, 2026 (Martes)
Oras: 9:00 AM – 5:00 PM
Lokasyon: Diamond Hall, New Marilao Municipal Hall
Abril 15, 2026 (Miyerkules)
Oras: 9:00 AM – 5:00 PM
Lokasyon: Municipal Atrium
Hinihikayat ang mga nais dumalo na mag-register nang maaga upang ma-confirm ang inyong attendance. Maaaring sagutan ang official confirmation form sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/POWConfirmationFormApril2026.









Comments