
Ang MDRRMO Angat ay bumisita sa mga barangay ng Baybay, Niugan, at Taboc upang mainspeksiyon ang mga programang ilalatag para sa taong 2025.
Katuwang ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang Municipal Planning and Development Office upang masuri ang mga lugar sa mga nasabing barangay.
Kasabay nito ay ang pagkakaroon nang konsultasyon sa mga barangay na napuntahan upang suriin ang mga papel patungkol sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee.
Ang pagbaba sa mga barangay ay isang manipestasyon para sa Asenso na Bayan ng Angat at Ligtas na komunidad.
Kung kayo ay may EMERGENCY, tumawag lamang sa MDRRMO RESCUE HOTLINE:
0923 926 3393
Laging maging HANDA, LIGTAS, at PANATAG Angateño!
Comentarios