MDRRMO ANGAT | MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENTOFFICE ISINAGAWA ANG 1ST QUARTER COUNCIL MEETING
- Angat, Bulacan
- Mar 26
- 2 min read

Ngayong araw ay idinaos ang 1st Quarter MDRRM Council Meeting na ginanap sa 3rd Floor Annex Building Annex Building.
Ang pagpupulong ng konseho ay pinangunahan ni MGDH1 - MDRRMO Carlos R. Rivera Jr. upang itala sa mga miyembro ng konseho ang nakamit na mga programa, proyekto, at aktibidad para sa unang bahagi ngayong taon.
Naging sentro nang pagpupulong ang mga sumusunod na paksa:
1. Reading and Approval of the Last Meeting;
2. MDRRM Office Organizational Structure;
3. Accomplishment Report:
a. Disaster Prevention and Mitigation
b. Disaster Preparedness
c. Disaster Response
d. Disaster Rehabilitation and Recovery
4. Upcoming Projects, Programs, and Activities;
5. Weather Update for 1st and 2nd Quarter of 2025;
6. Other Matters.
Para sa Disaster Prevention and Mitigation, mayroon nang serye ng mga programa at aktibidad ang isinagawa ng Angat MDRRMO. Ilan rito ay ang pagsasagawa at pagsasaayos ng mga drainage system at slope protection sa ilang mga barangay, gayundin ang Tree Planting Activity kasama ang MENRO at pribadong kumpanya.
Para sa Disaster Preparedness, ito ay binubuo ng buwanang pagpupulong, pagpapadala ng representante para sa iba't-ibang training, pagpapamigay ng mga Information Education Campaign, taunang pagsali sa NSED, at pagtitiyak sa mga materyales ng Angat Rescue Team.
Para sa Disaster Response, sa unang quarter ng taon ay nananatiling pantay ang mga datos ukol sa pag responde sa mga insidente.
Para sa ibang paksa, inilahad ni G. Carlos R. Rivera Jr. ang mga aktibidad na dapat asahan sa 2nd quarter ng taon. Ilan rito ay ang mga pagsasanay at mga aktibidad na gaganapin lalo na ang papalapit na Semana Santa.
Bilang pagtatapos ay nagsalita ang ilang miyembro ng konseho upang magbigay pasasalamat sa opisina ng Angat MDRRMO sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong publiko at pagpapanatili ng isang Handa, Ligtas, at Panatag na komunidad.
Ang ama ng Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay nagpaabot ng buong suporta sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng MDRRMO Angat.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments