MDRRMC Angat, Nagsagawa ng 4th Quarterly Meeting
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Isinagawa ang 4th Quarterly Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang lalo pang palakasin ang kahandaan at koordinasyon ng bayan sa harap ng mga kalamidad at hindi inaasahang pangyayari.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr. (MGDH/MDRRMO Chief) ang pagpupulong, na dinaluhan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Konsehal JP Solis, MLGOO Ernest Kyle Agay, at iba pang miyembro ng MDRRMC, kasama ang:
Mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSO).
Mga representante mula sa Angat PNP at Angat Bureau of Fire Protection (BFP).
Iba't ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang agenda na naglalayong pagtibayin ang mga programa at mekanismo ng bayan sa disaster risk reduction and management, kabilang ang:
Presentasyon ng Accomplishment Report sa iba't ibang aspeto ng Disaster Management (Prevention, Preparedness, Response, at Rehabilitation).
Weather Update para sa 1st Quarter ng 2026.
Pagtalakay sa Review at Renewal Process ng Memoranda of Understanding (MOUs) kasama ang lahat ng kasaping stakeholders.
Mga nalalapit na proyekto, programa, at aktibidad.
Nagbigay-diin ang pulong sa kahalagahan ng koordinasyon at kahandaan ng pamahalaan at ng mga kasaping ahensya upang masiguro ang maayos at maagap na pagtugon sa anumang sakuna.









Comments