Mayor Jowar Bautista, Binisita ang mga Evacuees sa San Roque
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Agad na nagtungo si Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong umaga sa Angat Municipal Evacuation Center na matatagpuan sa Barangay San Roque upang personal na siyasatin ang kalagayan ng mga pamilyang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig-ilog dulot ng Hanging Habagat.
Nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga bakwit habang patuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyo ng iba't ibang departamento ng pamahalaang lokal. Nagbibigay ng mga kinakailangang gamot at bitamina ang Municipal Rural Health Office sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Jimmy Cruz, habang ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pangunguna ni Ms. Jessica Villarama ay nagpamahagi ng pagkaing nakatutok sa Nutrition in Emergencies.
Samantala, patuloy naman ang konsolidasyon ng datos ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Head Mencie Bollas para sa opisyal na ulat sa pambansang pamahalaan.
Nagsimula na ring magkaloob ng logistical support ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Carlos R. Rivera Jr., OIC Municipal Administrator/MDRRMO Head, para sa mga pamilyang maaari nang bumalik sa kanilang mga tahanan.
Nananatiling fully operational ang MDRRMO Operations Center upang patuloy na bantayan ang lebel ng kailugan at mabilis na makatugon sa anumang emergency.
Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan na bukas ang mga linya ng Angat Rescue Hotline sa 0923-926-3393 at 0917-710-5087 para sa mga nangangailangan ng tulong.









Comments