top of page
bg tab.png

“May Forever sa GULAYANGAT”: Libreng Kasalang Bayan 2025, Muling Idaraos sa Bayan ng Angat

ree

Angat, Bulacan — Muling ipagdiriwang ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang kilig at pagkakaisa sa pamamagitan ng programang “Kasalang Bayan 2025” na may temang “May Forever sa GULAYANGAT.”


Matapos ang matagumpay na selebrasyon noong nakaraang taon, muling binubuksan ng lokal na pamahalaan ang pagkakataon para sa mga magkasintahan, live-in partners, engaged couples, at lalo na sa mga matagal nang nagsasama na walang legal na balakid upang makasal.


Ang espesyal na seremonya ng libreng kasalan ay itinakda sa Oktubre 21, 2025, bilang bahagi ng selebrasyon ng GULAYANGAT Festival 2025.


Bukas ang Aplikasyon Hanggang Setyembre 15

Patuloy pa ang pagtanggap ng aplikasyon hanggang Setyembre 15, 2025, at limitado lamang sa 40 magkasintahan ang tatanggapin sa taunang Kasalang Bayan.

Layunin ng programa na palakasin ang institusyon ng pamilya at bigyang-pagkakataon ang mga magkasintahan na ma-legalize ang kanilang pagsasama nang libre.


Mga Kinakailangang Dokumento

Ang mga nagnanais na sumali ay kinakailangang magpasa ng sumusunod na requirements sa Office of the Municipal Civil Registrar:


  1. PSA Birth Certificate ng bawat isa (free of charge)

  2. Certificate of No Marriage (CENOMAR) ng bawat isa (free of charge)

  3. Certificate of Attendance sa Pre-Marriage Orientation/Counseling Seminar

  4. Isang valid ID ng bawat isa

  5. Duly accomplished Application for Marriage License form

  6. Pinakabagong Community Tax Certificate (Cedula)

  7. Isang 1x1 ID picture (white background) ng bawat isa

  8. Parental consent kung edad 18–21 taong gulang

  9. Death Certificate ng yumaong asawa (kung balo)

  10. Certificate of Finality ng Annulment mula sa korte (kung annulled)


Programa Para sa Pamilya at Pagmamahalan

Ang Kasalang Bayan 2025 ay programa ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, Punong Bayan, katuwang ang Office of the Municipal Civil Registrar at Municipal Tourism Office.


Ayon kay Mayor Bautista, ang programang ito ay hindi lamang tungkol sa seremonya ng kasal, kundi isang simbolo ng pagkakaisa, pagmamahalan, at matibay na pundasyon ng bawat pamilyang Angateño.

“Sa Bayan ng Angat, may forever — at ito ay pinagtitibay ng tunay na pagmamahal at pagkakaisa,” pahayag ng alkalde.


Para sa Karagdagang Impormasyon

Mayroon na lamang 25 slots na natitira para sa mga nais magparehistro.Para sa mga katanungan o karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Local Civil Registrar sa loob ng Municipal Hall ng Angat.


“Kasalang Bayan 2025 — patunay na may forever sa pag-ibig at sa Bayan ng Angat.”

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page