May Forever sa GulayAngat: Kasalang Bayan 2025
- Angat, Bulacan

- Aug 13
- 1 min read

Dahil sa matagumpay na naging Kasalang Bayan noong nakaraang taon, muli nating pagbibigyan ang mga indibidwal na nakahanap ng kanilang FOREVER at nagnanais na i-level up ang kanilang pagsasama. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na gawing mas espesyal ang inyong pagmamahalan!
Bukas pa po ang aplikasyon hanggang Setyembre 15, 2025 para sa Libreng Kasalang Bayan na itatakda sa darating na Oktubre 21, 2025. Limitado lamang sa 40 couples ang makakasali.
Ang programang ito ay bukas sa:
Magkasintahan
Live-in partners
Engaged couples
Lalo na sa mga magkasama nang higit sa limang taon na walang balakid para maikasal
Ito na ang inyong pagkakataon upang mas pagtibayin at ipagdiwang ang inyong pagmamahalan.
Requirements para sa Aplikante:
PSA Birth Certificate ng bawat isa sa magpapakasal (free of charge)
Certificate of No Marriage (CENOMAR) ng bawat isa (free of charge)
Certificate of Attendance sa Pre-Marriage Orientation at/o Counseling Seminar
Isang valid ID ng magpapakasal
Duly accomplished Application for Marriage License form
Pinakabagong Community Tax Certificate o CEDULA
Isang 1x1 ID picture (may puting background) ng bawat isa
Pahintulot mula sa magulang o guardian kung ang aplikante ay nasa edad 18-21
Death Certificate ng yumaong asawa (para sa balo)
Certificate of Finality ng Annulment mula sa korte (para sa annulled)
Ang Kasalang Bayan 2025 ay programa ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ni Punong Bayan Mayor Reynante S. Bautista, katuwang ang Office of the Municipal Civil Registrar at Municipal Tourism Office para sa kapakinabangan ng ating mga kababayan.
Paalala:Mayroon na lamang 25 slots. Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Local Civil Registrar ng Angat.









Comments