top of page
bg tab.png
Writer's pictureangat bulacan

Matagumpay na Evacuation Drill at Disaster Preparedned IEC, Isinagawa


Noong nakaraang linggo, pinangunahan ni MDRRMO Ma. Lourdes Alborida, kasama sina Carlos Rivera, MSWDO Menchie Bollas, at MAT Mercedita Garcia ang isang malawakang Evacuation Drill at Disaster Preparedness Information Education Campaign (IEC). Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang palakasin ang kahandaan ng komunidad sa harap ng mga posibleng sakuna at kalamidad.

Nasa 111 pamilya mula sa mga miyembro ng 4Ps ang lumahok sa programa. Ang mga kalahok ay nabigyan ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayan sa tamang pagresponde sa mga emergency tulad ng lindol, bagyo, at baha. Ang IEC ay nagbigay din ng mga praktikal na tips sa paglikas at mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang sakuna.

Kasama rin sa programa ang aktibong partisipasyon at suporta ni Punong Bayan Reynante S. Bautista. Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga ganitong programa upang masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan sa harap ng mga kalamidad.

9 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page