top of page
bg tab.png

Masiglang Pagbubukas ng GulayAngat Festival 2025, Tampok ang Parada at Food Park Opening


ree

ANGAT, BULACAN — Sa gitna ng sigla, musika, at makukulay na dekorasyon, opisyal nang binuksan ang GulayAngat Festival 2025 na naghatid ng masaya at makabuluhang unang araw ng selebrasyon para sa buong komunidad ng Angat. 🌿🎉


Sinimulan ang araw sa pamamagitan ng makulay na parada na nilahukan ng iba’t ibang barangay, paaralan, organisasyon, at sektor ng pamayanan. Umalingawngaw sa mga kalsada ng Angat ang tunog ng tambol, awitin ng kabataan, at sigla ng mga kalahok na nagpakita ng pagmamalaki sa kulturang agrikultural at produktong gulay ng bayan.


Kasunod nito ay ang mga paligsahan at pagtatanghal, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kreatibidad, talento, at diwa ng pagkakaisa. Bawat pagtatanghal ay naging simbolo ng pagmamahal sa bayan at pagsuporta sa adhikain ng GulayAngat Festival na itaguyod ang sustainable living at lokal na agrikultura.


Bilang tampok na bahagi ng unang araw, pormal na binuksan ang GulayAngat Food Park — isang bagong atraksyon na nagsisilbing sentro ng kainan, kasiyahan, at pagkakaisa ng mga Angatenyo. Dito tampok ang iba’t ibang putaheng gawa sa sariwang gulay, mga lokal na produkto, at mga handog ng mga lokal na negosyante at food entrepreneurs.


Sa pagdagsa ng mga mamamayan, ramdam ang GOOD vibes at GOOD cause ng pagdiriwang — isang paalala na ang GulayAngat Festival ay hindi lamang selebrasyon ng ani, kundi pagdiriwang ng sipag, malasakit, at tagumpay ng bawat Angatenyo.


Tunay nga, sa GulayAngat, lahat ay masaya, lahat ay kasama, at lahat ay Angat!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page