Mas Matatag na Bayan: Bulacan Council of DRRMO INC Monthly Meeting
- Angat, Bulacan

- Aug 8
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, ay nakiisa sa isinagawang buwanang pagpupulong ng Bulacan Council of DRRMO INC.
Idinaos ang pagpupulong sa Bayan ng Guiguinto sa pangunguna ni G. Peter John T. Vistan, pangulo ng samahan. Dumalo rin si G. Manuel Lukban, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, na nagbigay suporta at gabay sa mga talakayan.
Layunin ng pagtitipon na higit pang pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon ng bawat opisina at departamento ng DRRM sa buong lalawigan, lalo na sa panahon ng kalamidad. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang ibahagi ng bawat bayan at lungsod ang kani-kanilang karanasan mula sa mga naging epekto ng bagyo at habagat.
Nagbigay presentasyon ang bawat miyembro ukol sa mga naisakatuparang aktibidad, programa, at proyekto. Ibinahagi ni G. Carlos R. Rivera Jr. ang mga nagawa ng Bayan ng Angat, kabilang ang pagpapagawa ng drainage canals, paglilinis ng mga kanal at sapa, at ang mga pagsasanay para sa pagpapalakas ng hanay ng Angat Rescue Team sa ilalim ng pamumuno ng MDRRM Council Chairman, Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista.
Ang mga hakbang na ito ay malinaw na patunay ng pagpapatuloy ng Asenso at Reporma tungo sa mas ligtas at handang Bayan ng Angat.
Kung kayo po ay may emergency, maaari lamang tumawag sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments