top of page
bg tab.png

Mas Mabilis na Proseso para sa mga Negosyante

ree

Noong Agosto 8, 2025, nagsagawa ng benchmarking activity ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) team ng Bayan ng Angat na pinangunahan ni G. Yral Calderon, Designated BPLO, sa Bayan ng Obando. Ang aktibidad na ito ay isinagawa bago pormal na pumasok ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT).


Layunin ng nasabing proyekto na pag-aralan at gawing batayan ang mga proseso ng Obando upang higit pang mapabilis at mapagaan ang pagkuha ng Business o Mayor’s Permit sa ating bayan.


Sa bagong sistemang ipatutupad, maaari nang magsumite ng aplikasyon online ang mga negosyante, na magbibigay ng mas mabilis at mas maginhawang serbisyo. Kasama sa nasabing benchmarking activity sina Bb. Alyssa June Fajardo, G. John Paulo Santiago, at G. Darren Santos na magiging katuwang sa pagpapatupad ng proyektong ito.


Nagpahayag din ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa butihing Ama ng Bayan, Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista, sa patuloy na suporta para sa mga inisyatibang makakabuti sa mga mamamayan at magdadala ng higit pang pag-unlad sa ating bayan.

Pasasalamat din sa Bayan ng Obando, kay G. Jonel Jacinto ng BPLO, sa Treasury Department, at sa kanilang mga kawani para sa mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng kanilang karanasan.


Malapit nang ilunsad sa Bayan ng Angat ang Electronic Local Government System (eLGU), isang makabagong hakbang para sa mas episyenteng serbisyo at patuloy na asenso at reporma.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page