top of page
bg tab.png

MANCOM Meeting ng Bayan ng Angat: Tinalakay ang Land Banking at mga Inisyatibo sa Serbisyo Publiko


Upang mas mapalakas ang koordinasyon at mapabilis ang pagpapasya sa mga mahahalagang usapin ng pamahalaan, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang kanilang Management Committee (MANCOM) Meeting.


Ang pagpupulong ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maihatid ang mahusay at de-kalidad na pamamahala sa buong komunidad.


Tinalakay sa MANCOM Meeting ang iba't ibang estratehikong programa at proyekto na pagandahin ang Land Ownership at Land Banking, Healthy Workplace Initiatives, DPCR Calendar of Activities at Tool for Item Creation.


Dinaluhan ito ng mga opisyal ng bayan at mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan. Nagkaroon sila ng pagkakataon na magbahagi ng mga ulat (updates) at makiisa sa pagbalangkas ng mga hakbang na tutugon sa pangangailangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang sama-samang pagkilos at malinaw na direksyon ay patunay na pinagtitibay nila ang isang organisado at makataong pamamahala, na nakatutok sa tunay na kaunlaran.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page