Maligayang Kaarawan, Barangay Justice Jhonny Fer!
- Angat, Bulacan

- Jul 8
- 1 min read

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa kaarawan ang ipinaabot ng Pamahalaang Barangay ng Sulucan para sa isa sa kanilang mga katuwang sa pagpapanatili ng katarungan at kaayusan, si Barangay Justice Jhonny Fer.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Barangay Kgg. Richard Castro Cruz, Sangguniang Kabataan (SK) Chairman Alex Cruz Hernandez, kasama ang buong Sangguniang Barangay, SK Council, at mga barangay volunteers.
Sa pamamagitan ng isang mensahe ng pasasalamat, kinilala ng pamunuan ng barangay ang mahalagang papel at tapat na paglilingkod ni Barangay Justice Jhonny Fer sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-aayos ng mga usapin sa komunidad.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamunuan sa patuloy na dedikasyon at pakikiisa ng mga Lupon at Barangay Justice sa pagpapatupad ng hustisya sa antas ng barangay.
Muli, ang buong Barangay Sulucan ay nagpahatid ng kanilang pagmamahal at maligayang pagbati para sa panibagong taon ng buhay at paglilingkod ni Barangay Justice Jhonny Fer!









Comments