top of page
bg tab.png

Maligayang bati sa kaarawan ng Ina ng Ikatlong Distrito, Tita Lorna Silverio!


Dumating man po tayo sa punto ng “paghihiwalay” sapagkat ang bayan ng Angat ay hindi na bahagi ngayon ng iyong nasasaklawang Distrito, nananatili ka sa puso ng mga Angatenyo bilang isang mapagkalingang ina na hanggang sa kasalukuyan ay naaasahan namin sa oras ng pangangailangan.


Sasamantalahin ko na din ang pagkakataong ito na pasalamatan ka sa iyong pagpupursige na maisabatas ang iyong authored bill na Re-Apportioning of the Third District of Bulacan (Re-districting), na nagbunsod sa pagkakahiwalay ng Angat at Norzagaray sa Ikatlong Distrito. Pinatunayan nito na may mga hiwalayan na nakakabuti. Sapagkat sa kasalukuyan, tinatamasa ng bayan ng Angat ang pag-agos ng mga proyektong makatutulong upang makamit nito ang minimithing pag-asenso. At batid ko na ito po ang ultimong layunin ninyo sa paghahabi ng batas na ito.


Muli, Happy Birthday Tita Lorna and may the Lord continue to shower you with abundant blessings and good health!

12 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page