top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Ang pagdiriwang ng ika-125 Taong Kalayaan ng Pilipinas ay may temang Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan. Ang pagdiriwang nito ay isang paalala upang balikan nating muli ang kasaysayan at tuntunin kung paano nakamit ang kasarinlan mula sa mga dayuhang mananakop. Ito ay simbolo ng katapangan, pagkakaisa at kadakilaan ng mga magigiting na Pilipino.


Ito ay sinimulan ng Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Mons. Manny Villaroman, Rev. Fr. Nap Baltazar, Rev. Fr. Joshua Panganiban at ito ay sinundan ng Pagtataas ng Bandila ng Pilipinas at pagaalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose Rizal.


Isang pasasalamat sa miyembro ng Jowable Youth, Saint Joseph Choir at Knights of Columbus para sa pakikiisa sa ating programa.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan Members, Angat PNP, Angat BFP, School Heads, mga kapitan at mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaan bayan.


5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page