Malawakang Hiring sa PESO Angat, Kasalukuyang Nagaganap Ngayong Araw!
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Kasalukuyan pang binubuksan ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang kanilang pintuan para sa mga naghahanap ng trabaho sa isinasagawang Local Recruitment Activity (LRA) sa loob ng New Municipal Building sa Barangay San Roque.
Nagsimula ang aktibidad kaninang umaga at patuloy pa ring tumatanggap ng mga aplikante ang mga kumpanyang katuwang ng lokal na pamahalaan para sa mga agarang bakanteng posisyon.
Hinihikayat ng pamunuan ng PESO Angat ang lahat ng mga residenteng walang trabaho, mga fresh graduates, at mga nagnanais magkaroon ng bagong karera na huwag nang mag-atubili at magtungo na agad sa opisina habang nagpapatuloy ang mga face-to-face interviews.
Mga Paalala bago Magtungo sa Opisina:
Magsuot ng angkop at disenteng kasuotan para sa agarang interview.
Dalhin ang inyong mga updated resume (magdala ng dagdag na kopya kung maaari).
Huwag kalimutang magbaon ng sariling itim na ballpen para sa pagpuno ng mga porma.









Comments