Makabuluhang Pagdiriwang ng Pagtatapos ng TESDA Agroentrepreneurship NCII Batch 1 at 2 Scholars
- Angat, Bulacan

- Jul 17
- 1 min read

Isang makabuluhang araw ng pagdiriwang ang ginanap noong Hulyo 15, 2025 sa Angat Municipal Conference Hall para sa Graduation Ceremony ng TESDA Agroentrepreneurship NCII Batch 1 at 2 Scholars. Ang okasyong ito ay isang patunay ng tagumpay at pagsusumikap ng mga mag-aaral na sumailalim sa pagsasanay na isinagawa sa ilalim ng TESDA at ng Maharlika School of Life Inc.
Ang programa ay dinaluhan ng mga piling opisyal at kinatawan ng pamahalaan at TESDA na nagsilbing inspirasyon at suporta sa mga nagsipagtapos. Kabilang dito si Punong Bayan Reynante S. Bautista, si George Bautista bilang kinatawan ni Congressman Salvador Pleyto, Konsehal JP Solis, Bb. Melba Dizon, at ang TESDA representative na si Jessica Lyne Estrella.
Sa kanilang mga mensahe, hinikayat nila ang mga bagong Agroentrepreneurs na gamitin ang kanilang mga natutunan upang mapaunlad hindi lamang ang kanilang sarili kundi pati na rin ang kanilang mga komunidad. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging handa sa mga hamon ng agrikultura at ang pagiging bukas sa mga oportunidad na makatutulong sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan.
Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang simbolo ng pagkamit ng sertipikasyon, kundi isang hakbang patungo sa mas matatag na kinabukasan para sa bawat isa. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataan at miyembro ng komunidad upang patuloy na magsikap at mag-aral para sa kanilang personal at pangkomunidad na pag-unlad.









Comments