MAHALAGANG ADVISORY: Mga Bagong Oras para sa ‘Nutri-Steps 2026’ Eco-Walk, Inilabas ng Municipal Nutrition Office
- Angat, Bulacan
- 3 days ago
- 2 min read

Naglabas ng isang mahalagang patalastas ang Municipal Nutrition Office ng Angat upang ipabatid sa publiko ang mga nagbago at mas maagang oras para sa gaganaping NUTRI-STEPS 2026 ngayong darating na Hulyo 11, 2026 (Sabado).
Ang hakbang na ito ay upang matiyak na mas maging komportable, malamig, at maayos ang paglalakad ng mga kalahok para sa gaganaping fund-raising eco-walk na naglalayong pondohan ang 90-Day Supplemental Feeding Program ng mga piling batang nangangailangan sa bayan.
Pinapayuhan ang lahat ng mga pamilya, barkada, kawani, at mga barangay na opisyal na narito ang mga bago at opisyal na oras na dapat sundin:
Call Time & Huling Rehistrasyon: 5:00 ng umaga (Mas maaga kumpara sa unang anunsyo)
Assembly Area:Â Malapit sa Entrance ng New Angat Municipal Building Pathway
Simula ng Eco-Walk: 5:30 ng umaga (Opisyal na lalakad ang mga kalahok)
Post-Walk Program & AM Snacks:Â 6:30 ng umaga
Registration Fee: ₱150.00
Ipinapaalala pa rin ng pamunuan na bukas ang hamon para sa Eco-Costume Challenge kung saan maaaring magsuot ng mga malikhaing kasuotan na gawa sa recycled materials na umaayon sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."
Mahigpit ding ipatutupad ang Zero Waste Policy sa buong ruta ng takbo:
Bring Your Own Bottle (BYOB): Magdala ng sariling tumbler o botelya. May mga nakatalagang water refilling stations sa bawat kilometro.
Iwasan ang Kalat: Tiyaking walang mahuhulog na palamuti mula sa inyong costume o anumang basura sa daan.
Para sa mga hindi pa nakakapagpatala, maaari pa ring magrehistro sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS)Â o Lingkod Lingap sa Nayon (LLN)Â ng inyong kani-kanilang barangay, o pumunta nang maaga sa mismong araw ng aktibidad.
Kita-kits ngayong Sabado, Hulyo 11, para sa mas maaga, mas masigla, at mas makabuluhang hakbang para sa kalusugan ng kabataang Angateño!





