Magkakapatid na Patungong Palengke sa Kasagsagan ng Bagyo, Isinakay ng PNP Angat

Ipinamalas ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang kanilang tunay na malasakit sa mamamayan matapos saklolohan at isakay ang magkakapatid na stranded sa gitna ng masamang panahon habang nagpapatrolya sa bayan.
Nabatid na sa kasagsagan ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyo, nakita ng mga nagpapatrolyang tauhan ng PNP Angat ang magkakapatid na naglalakad at patungo sana sa Pamilihang Bayan ng Angat.
Dahil sa panganib na dulot ng bagyo at kawalan ng madaling masasakyan, agad silang inalok ng tulong ng kapulisan at pinasakay sa sasakyan ng patrol upang makarating nang ligtas sa kanilang pupuntahan.
Ang gawaing ito ay bahagi ng inisyatibong "PNP Good Deeds" na naglalayong ipakita na ang kapulisan ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi nakahanda ring maglingkod at mag-abot ng tulong sa mga Angateño sa oras ng pangangailangan at kalamidad.










Comments