Mabuhay ang mga Bagong Kasal! LGU Angat, Naghatid ng Basbas sa Tatlong Bagong Mag-asawa
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Pag-ibig ang naghari sa Tanggapan ng Pamahalaang Bayan matapos opisyal na pinagtibay ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista ang pag-iisang dibdib ng tatlong bagong magkapareha na nagpasiyang pumasok sa banal na sakramento ng kasal.

Sa harap ng batas at ng lokal na pamahalaan, buong-pusong nangako ng katapatan at habang-buhay na pagmamahalan ang mga sumusunod na bagong kasal:
Mr. & Mrs. Celmir at Regina Carla Cruz
Mr. & Mrs. Erwin at Mary Jhane Caperlac
Mr. & Mrs. Frankie at Melissa Jimenez

Bilang solemnizing officer, hindi lamang pinamunuan ni Mayor Bautista ang pagpapalitan ng sumpaan ng mga magsing-irog, kundi nagbahagi rin ito ng mahahalagang payo para sa pagtataguyod ng isang matatag na pamilya. Binigyang-diin sa seremonya ang kahalagahan ng unawaan, pagtiwala, at pagtutulungan upang malampasan ang mga hamon ng buhay-mag-asawa.
Dumalo rin sa maikling seremonya ang mga malalapit na kamag-anak at saksi ng mga ikinasal upang maging kabahagi sa panibagong yugto ng kanilang buhay.
Isang mainit na pagbati naman ang ipinaabot ng buong Pamahalaang Bayan ng Angat para sa mga bagong mag-asawa na magsisimula nang bumuo ng kanilang sariling tahanan sa komunidad.









Comments