Maagang Presensya ng Pulisya sa Sta. Monica Parish Church Inilunsad ng Angat PNP
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagsisimba at mapanatili ang kaayusan sa paligid ng mga pampublikong lugar ng pananampalataya, naglunsad ng Police Visibility Patrol ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa labas ng Sta. Monica Parish Church ngayong ika-24 ng Mayo, 2026.
Ang nasabing operasyon na nagsimula sa maagang oras na ganap na alas-6:26 ng umaga (kasabay ng mga unang misa) ay pinamunuan ni Pat Cabusao, Patrol PNCO, sa ilalim ng direktang gabay at pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS.
Ikinasa ang pagpapatrulya sa tapat ng makasaysayang simbahan ng Sta. Monica na matatagpuan sa Barangay San Roque. Ang maagang presensya ng mga unipormadong pulis ay naglayong pigilan ang mga mapagsamantalang elemento o mga mandurukot na karaniwang nag-aabang sa mga matataong lugar tulad ng simbahan tuwing araw ng Linggo at ipatupad ang batas-trapiko, isaayos ang daloy ng mga sasakyan at ipatupad ang mga regulasyon sa trapiko upang maiwasan ang pagsisikip ng kalsada at matiyak ang ligtas na pagpasok at paglabas ng mga deboto sa parokya.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga simbahan at iba pang estratehikong lugar ay bahagi ng kanilang komitment na maging mas malapit sa mamamayan at maging mabilis ang pagtugon sa anumang emergency.









Comments