top of page
bg tab.png

Local Recruitment Activity ng PESO Angat at Isang Kooperatiba, Idinaos para sa mga Naghahanap ng Trabaho


Nagbukas ng malaking pagkakataon para sa mga residenteng naghahanap ng mapapasukang trabaho ang Public Employment Service Office (PESO Angat) sa pamamagitan ng inilunsad nitong Local Recruitment Activity (LRA) ngayong araw, Mayo 28, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Firstcore Multi-Purpose Cooperative, isang ahensya na kasalukuyang nangangailangan ng maraming manggagawa upang mapunan ang kanilang mga bakanteng posisyon, partikular na sa bahagi ng production.


Ginanap ang aplikasyon sa Ground Floor (left side) ng PESO Office sa New Municipal Building ng bayan.


Nanawagan at humikayat naman ang pamunuan ng PESO Angat sa mga aplikante na huwag sayangin ang ganitong mga pagkakataon habang ang mga lehitimong ahensya mismo ang nagtutungo sa bayan upang mag-alok ng legal na trabaho. Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay madagdagan ang bilang ng mga mamamayang magkakaroon ng marangal na hanapbuhay sa Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page