top of page
bg tab.png

Livelihood Training sa Food Processing, Matagumpay na Naisagawa sa Barangay Niugan


Matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang Livelihood Training ukol sa Food Processing na naglayong maghatid ng dagdag na pangkabuhayan sa mga residente.


Sa nasabing pagsasanay, aktibong nakilahok ang mga kabarangay kung saan natutunan nila ang tamang paraan ng paggawa ng mga produktong tulad ng tocino, tapa, skinless, at longganisa. Ang programang ito ay binuo upang bigyan ang bawat pamilya ng sapat na kaalaman na maaari nilang gamitin sa paggawang-negosyo at pagpapalago ng kita.


Nagpaabot ng malaking pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa aktibidad. Nangako rin ang Sangguniang Barangay na patuloy silang maghahatid ng mga katulad na proyektong kapaki-pakinabang para sa buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page