Good news, mga Angatenyo! Darating sa ating bayan ang Lingkod PAG-IBIG On Wheels upang ilapit ang kanilang serbisyo!
Abangan sila sa August 9 | 8:30 a.m. - 4:00 p.m. sa Angat Municipal Gymnasium upang mabigyang pagkakataon ka na magawa ang alinman sa mga sumusunod:
• Loyalty Card Plus Enrollment • Magparehistro bilang Self-employed Member • Magpasa ng application para sa Multi-purpose Loan (MPL) o Provident Benefits Claim • Alamin ang inyong saving o record sa Pag-IBIG Fund • Alamin ang inyong outstanding loan balance sa MPL • Paano Ipagpatuloy ang Membership Savings
Layunin ng PAGIBIG Fund na makatulong na maiangat ang kalidad ng buhay ng mga kasapi nito sa pamamagitan ng pamamahala sa pondong ipinagkakatiwalang ilagak sa institusyon. Ilan sa mga benepisyo ng pagiging kasapi maliban sa paglago ng kanilang sapi ay ang pagbibigay ng pagkakataon para sa iba’t ibang uri ng pangungutang na may maliit na interes gaya ng housing loan at iba pa.
Comentarios