Sisimulan na po natin ang Lingguhang People’s Day, mga Angatenyo!
Bukas ito para sa mga kababayang nangangailangan ng Tulong Medikal, Tulong Edukasyon, Tulong Pampalibing at iba pang agarang pangangailangan ng mga Angatenyong kapus-palad.
Gaganapin ito tuwing araw ng Lunes, 9:00 AM-11:00 AM sa Angat Municipal Gymnasium. Magdala lamang ng Barangay Indigency Certificate, Valid ID na naka-address sa Angat at requirements para sa kinakailangang tulong.
Para sa TULONG MEDIKAL: • Barangay Certificate of Indigency • Valid ID na naka-address sa Angat • Updated na RESETA (kung para sa gamot) • Medical Certificate • Laboratory Request (kung pampa-laboratoryo) • Kopya ng Hospital Bill (kung para sa pambayad sa ospital) • Authorization mula sa Pasyente (kung hindi pasyente ang claimant)
Para sa TULONG PAMPALIBING: • Barangay Certificate of Indigency • Valid ID ng immediate family ng namatay (claimant) • Kopya ng Death Certificate • Promissory Note sa Punerarya • Legal na Patunay ng Relasyon ng Claimant sa Namatay
Para sa TULONG EDUKASYON: • Certificate of Registration/Enrolment ng estudyante • Barangay Certificate of Indigency • Valid ID na naka-address sa Angat • Latest Copy of Grades
Tiyakin lamang po na nakasuot ng facemask at sumusunod pa rin sa protocols para sa pag-iingat na muling kumalat ang sakit na COVID-19.
Comments