Lingguhang Pagtataas ng Watawat, Pinangunahan ng Angat PNP at Pamahalaang Bayan
- Angat, Bulacan

- Aug 18
- 1 min read

Isinagawa ngayong linggo ang regular na pagtataas ng watawat sa harap ng Munisipyo ng Angat bilang simbolo ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagtupad sa tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Pinangunahan ang seremonya ng Angat PNP, katuwang ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, si Konsehal JP Solis, ang Bureau of Fire Protection (BFP) Angat, mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, at lahat ng kawani ng pamahalaang bayan.
Sa maayos na pagsasagawa ng aktibidad, ipinakita ang sama-samang hangarin ng mga ahensya at kawani ng lokal na pamahalaan na palakasin ang diwa ng patriotismo at disiplina. Higit pa rito, layunin ng lingguhang pagtataas ng watawat na magsilbing paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtupad ng kani-kaniyang tungkulin para sa ikauunlad ng bayan.

Matapos ang seremonya, sinundan ito ng isang Bible Study na pinangunahan ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA). Ang naturang gawain ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kawani at opisyal ng bayan na pagnilayan ang mga aral ng pananampalataya, na nagsilbing inspirasyon at gabay sa kanilang araw-araw na paglilingkod sa pamayanan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, naipapakita hindi lamang ang kahalagahan ng paggalang sa pambansang sagisag kundi maging ang pagpapahalaga sa pananampalataya at espiritwal na paggabay, na siyang nagbibigay lakas at direksyon sa mga lingkod-bayan ng Angat.









Comments