Lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna ng mga kawani mula sa Market Office. Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin mga pinuno ng bawat tanggapan, Angat PNP, Angat BFP at mga kawani ng ating pamahalaang bayan.
Nagbigay din ang ating Punong bayan ng isang mensahe, “Matagumpay at naging masaya ang ating isinagawang Angat Teambuilding inaasahan ko na kung paano tayo nagkaisa sa teambuilding, gayundin ang ating ipapakita sa pagbibigay ng serbisyo para sa ating mamamayan.”
Patuloy ang pagsasagawa ng People's Day sa pagbibigay ng ibat ibang serbisyo para sa ating mga mamamayan na higit na nangangailangan. Kabilang rito ang pagbibigay ng senior citizen identification card, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Social Case Study, laboratory at libreng gamot.
Comentários