top of page
bg tab.png

Lingguhang Clean-up Drive ng Brgy. Niugan, Matagumpay na Naisakatuparan


Muling nagkaisa ang pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Niugan at ang mga residente sa ginanap na Clean-Up Drive ngayong Sabado, Hulyo 11, 2026.


Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng barangay na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong pamayanan.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal at boluntaryong mamamayan sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, pagtatapon ng mga nakaimbak na basura, at paghawi ng mga bara sa mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok at ang pagbaha.


Muli namang nakiusap ang Sangguniang Barangay sa lahat ng residente na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang mga bakuran para sa kalusugan at kaligtasan ng buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page