top of page
bg tab.png

Lingguhang Clean-up Drive ng Brgy. Niugan, Matagumpay na Isinagawa


Nagsama-sama ang pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Niugan at ang mga residente sa ginanap na Clean-Up Drive ngayong Sabado, Hulyo 4, 2026.


Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na layunin ng barangay na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong pamayanan.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal at boluntaryong mamamayan sa paglilinis ng mga pampublikong lugar, pagtatapon ng mga nakaimbak na basura, at pagtiyak na malinis ang mga daluyan ng tubig upang makaiwas sa mga peste at banta ng baha.


Muli namang nanawagan ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa lahat ng residente na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang mga bakuran at maging responsable sa pagtatapon ng basura para sa patuloy na kaayusan ng buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page