Ligtas na Paaralan: DILG Advisory, Ibinahagi sa PICE Session ng Angat MPS

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang regular na Personnel and Police Information and Continuing Education (PICE) session ngayong Hulyo 13, 2026, ika-7:45 ng gabi.
Ang naturang oryentasyon ay ginanap sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS, at pinangunahan ni Police Captain Mirari S. Cruz, Duty Officer of the Day (OD), kasabay ng araw-araw na accounting of personnel.
Sa ginanap na talakayan, partikular na binigyang-diin at ibinahagi sa buong puwersa ng kapulisan ang Human Rights Advisory kaugnay ng pagpapatupad ng opisyal na kautusan mula sa pamahalaang lokal:
"Implementation of DILG Memorandum Circular No. 2026-037 dated June 25, 2026: Safer School Zones Under the Safer Cities and Safer Communities Initiative"
Layunin ng talakayan na tiyakin na ang bawat pulis ay may sapat na kaalaman sa pagpapanatili ng seguridad sa paligid ng mga paaralan habang mahigpit na iginagalang ang karapatang pantao ng mga mag-aaral, guro, at mamamayan.










Comments