top of page
bg tab.png

Ligtas at Maayos na Paggunita ng Undas 2025, Tiniyak ng Angat MDRRMO


ree

Angat, Bulacan — Nobyembre 2, 2025 — Sa pagsusumikap na mapanatiling ligtas at maayos ang paggunita ng Undas 2025, nagsagawa ng mga hakbang ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, katuwang ang Angat Rescue Team.


Naglagay ng tatlong standby medic stations sa mga sumusunod na lugar:

  • GNU Cemetery

  • Himalayan ng Lahi

  • Donacion Public Cemetery


Bukod sa mga nakatalagang medics, nag-ikot din ang Angat Rescue Team sa loob ng mga sementeryo upang masigurong ligtas ang bawat Angateño na dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Layon ng hakbanging ito na maging maagap sa anumang insidente at agad na makapagbigay ng tulong.


Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa direktiba ni Punong Bayan Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista na tiyaking ligtas at panatag ang publiko sa pagdiriwang ng Undas.

Ayon sa tala ng MDRRMO, dalawang kaso ng pagkahilo ang naitalang narespondehan ng rescue team ngayong araw. Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko na:


  • Magdala ng proteksyon laban sa init (payong, sumbrero, pamaypay)

  • Uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang heat exhaustion o dehydration


Para sa anumang emergency, tumawag agad sa Angat Rescue Hotline:📞 0923-926-3393

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page