Ligtas ang May Alam: Mga Tips ng Angat MPS para Makaiwas sa mga Magnanakaw
- Angat, Bulacan

- May 6
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas na pamayanan, muling nagpaabot ng babala at mahalagang paalala ang Angat Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, upang mapangalagaan ang ari-arian ng bawat Angatenyo laban sa mga magnanakaw.
Ayon sa kapulisan, ang pagiging mapagmat
yag at maingat ng bawat isa ay ang unang depensa upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga masasamang loob na makapaminsala.
1. Siguraduhin ang Seguridad ng Tahanan
Laging i-lock ang mga pinto at bintana bago matulog o bago umalis ng bahay.
Huwag mag-iwan ng mga mamahaling gamit, bisikleta, o sasakyan sa labas na walang proteksyon o hindi nakakandado.
Kung maaari, maglagay ng CCTV o sapat na ilaw sa paligid ng bahay.
2. Maging Alerto sa mga Pampublikong Lugar
Huwag maglabas ng malaking halaga ng pera o mamahaling gadget (cellphone/laptop) sa mga matataong lugar.
Isuot ang bag sa harap o siguraduhing ito ay laging nakasara at hawak nang maigi.
Huwag makipag-usap sa mga hindi kakilala na nag-aalok ng kahina-hinalang serbisyo o produkto.
3. Mag-ingat sa mga Sasakyan
Huwag mag-iwan ng mahahalagang kagamitan sa loob ng sasakyan na madaling makita mula sa labas (bag, pitaka, o laptop).
Siguraduhing naka-lock ang manibela at may alarm system ang inyong mga motor o sasakyan.
Binigyang-diin ni PMAJ Alba na ang seguridad ay responsibilidad ng bawat isa. "Muli kaming nagpapaalala sa ating mga kababayan sa Angat na maging laging handa at mapagmasid. Huwag nating hayaang maging biktima tayo ng pagnanakaw dahil sa ating kapabayaan," pahayag ng Acting Chief of Police.









Comments