Libreng TB Mass Screening, Isinagawa Para sa Barangay Volunteers sa Angat
- Angat, Bulacan

- Dec 12, 2025
- 1 min read

Nagsagawa ng TB mass screening ang Angat Rural Health Unit (RHU) para sa mga Barangay Volunteers noong Disyembre 11, 2025.
Ang aktibidad ay isinagawa sa Municipal Evacuation Center and Isolation Facilities.
Ang mass screening ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Philippine Business for Social Progress (PBSP).
Mahalaga ang TB screening para sa mga barangay volunteers dahil sila ay kabilang sa mga frontliner na patuloy na nakikipag-ugnayan sa publiko. Ang maagang pagtuklas at paggamot ng Tuberculosis (TB) ay susi upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.









Comments