Libreng Serbisyo sa Kalusugan at Kabuhayan, Inihandog sa Barangay Pulong Yantok
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Muling inilapit ng Pamahalaang Lokal ng Angat ang iba’t ibang batayang serbisyo sa komunidad sa pamamagitan ng Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) na ginanap sa Barangay Pulong Yantok, sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Senator Risa Hontiveros.
Humigit-kumulang 308 benepisyaryo ang nabilang na napagsilbihan sa iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, at pampamayanan na inihatid mismo sa kanilang barangay.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga residente ang mga sumusunod:
Pangangalagang Pangkalusugan: Libreng medical at dental consultations, blood chemistry, at eye check-up.
Pamayanan at Kabuhayan: Libreng gupit, masahe, pamamahagi ng mga vegetable seedlings, at animal vaccination.
Dalaw Bahay Program: Personal na pagbisita sa tahanan ng 21 kabarangay na may karamdaman upang direktang maihatid ang kinakailangang atensyong medikal at tulong.

Naging matagumpay ang malaking aktibidad sa pagtutulungan ng Tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros, Angat Eye Clinic, Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok, Jowable Youth, Angat Kalusugan, at ng mga lokal na volunteers.
Sa pamamagitan ng patuloy na paglalapit ng mga ganitong programa, pinatutunayan ng Lokal na Pamahalaan ng Angat ang commitment nitong magkaloob ng konkretong tulong at pagkakataon para sa bawat mamamayan.









Comments