top of page
bg tab.png

LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA MAGSASAKA AT RESIDENTE NG PULONG YANTOK, IHINATID SA MUNICIPAL JOINT SERVICES SA BARANGAY


Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Angat at ang opisina ni Senator Risa Hontiveros sa paghahatid ng libreng tulong at serbisyo publiko para sa mga residente ng Barangay Pulong Yantok sa ginanap na Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) noong Agosto 23, 2026.


Tampok sa naturang caravan ang pagkakaisa ng iba't ibang departamento ng munisipyo upang ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.


Nakiisa rin sa programa ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat na nagkaloob ng mga sumusunod na tulong para sa mga magsasaka at pet owners:

  • Libreng Punla at Buto: Pamamahagi ng mga seedlings ng talong at siling panigang, pati na rin ng mga buto ng pechay at mustasa.

  • Libreng Bakuna sa Hayop: Pagtuturok ng libreng anti-rabies vaccine sa mga alagang hayop sa pangunguna ni Veterinary Doctor Eric DG. Pascual.

  • Sektor ng Insurance at Rehistrasyon: Paggawa ng RSBSA Enrollment para sa mga magsasaka at pagpoproseso ng Crop at Livestock Insurance registration.



Nagpaabot ng malaking pasasalamat ang Municipal Agriculture Office at ang pamunuan ng bayan sa lahat ng mga nakiisa at dumalo sa aktibidad, kasabay ng pangakong patuloy na ilalapit ang mga katulad na serbisyo sa iba pa nitong mga barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page