Libreng Sakay Ipinagkaloob ng PNP Angat sa mga Senior Citizen

Ipinamalas ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang kanilang malasakit sa nakatatandang sektor ng komunidad matapos magkaloob ng libreng sakay sa isang grupo ng mga senior citizen ngayong Agosto 23, 2026.
Habang nagpapatrolya sa kahabaan ng Villarama Highway ang mga miyembro ng Angat PNP sa pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police, ay nadaanan ng kapulisan ang mga senior citizen na patungo sa kanilang destinasyon. Agad silang inalok ng tulong ng mga pulis at isinakay sa patrol vehicle upang ihatid nang ligtas sa Barangay Center ng Brgy. Sulucan.
Ang paghahatid sa mga nakatatanda ay upang makakuha sila ng kanilang mga pangunahing gamot at bitamina sa barangay. Ang gawaing ito ay bahagi ng inisyatibong "PNP Good Deeds" na naglalayong magpaabot ng mabilis at direktang serbisyo sa mamamayan ng Angat, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong.










Comments