Libreng Gamot hanggang ₱20,000 mula sa PhilHealth YAKAP, Available na sa Angat Super Health Center Pharmacy sa Taboc
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Ipinagkakaloob na sa Angat Super Health Center Pharmacy sa Barangay Taboc ang libreng gamot sa ilalim ng programang YAKAP Gamot ng PhilHealth, kung saan maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong miyembro ng hanggang ₱20,000 halaga ng mga gamot bawat taon.
Ayon sa pamunuan ng pasilidad, ang naturang serbisyo ay ganap na libre at walang anumang cashout na kailangan mula sa mga benepisyaryo, alinsunod sa mga patakaran ng programa ng PhilHealth.
Kailangan lamang dalhin ng mga pasyente ang kanilang opisyal na Yakap Gamot Reseta na mayroong Unique Personnel Services Code (UPSC). Sakaling kinatawan o representative ang kukuha ng gamot, kinakailangang magprisinta ng valid ID ng pasyente at isang authorization letter.
Bukod sa mga reseta sa ilalim ng YAKAP, nag-aalok din ang Angat Super Health Center Pharmacy ng iba pang libreng gamot para sa mga mamamayang may dalang updated na reseta mula sa kanilang doktor.
Hinihimok ang lahat ng mga Angateño na may pangangailangan sa gamot na bumisita sa Super Health Center sa Barangay Taboc upang maipagkaloob ang nararapat na tulong-pangkalusugan.









Comments