Libreng 'First Time Job Seeker Certificate,' Handang Iproseso sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan

- May 22
- 1 min read

Nagpalabas ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Niugan para sa mga residenteng maghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon na maaari na silang kumuha ng FREE First Time Job Seeker Certificate.
Ang sertipikong ito ay malaking tulong upang makalibre ang mga aplikante sa mga bayarin sa pagkuha ng mga opisyal na dokumentong kinakailangan sa pag-aapply ng trabaho.
Para sa mga interesadong kabarangay, narito ang mga dokumentong dapat dalhin sa Barangay Hall para sa pagproseso:
Xerox copy ng Valid ID
Xerox copy ng Diploma
Xerox copy ng Birth Certificate
Hinihikayat ng pamunuan ng barangay ang mga bagong tapos sa pag-aaral at mga unang beses pa lamang magtatrabaho na magtungo sa Barangay Hall upang samantalahin ang serbisyong ito para sa pagsisimula ng kanilang career.









Comments